Saturday, 1 April 2017

RADIO GUESTING??? Anyone? try it with Ma'am Jeng Red of PUP College of Communications



MY FIRST RADIO PROGRAM GUESTING...via MAGNEGOSYO TAYO WITH ATE JENG RED over RADIO NG BAYAN/RADIO PILIPINAS...Ang hirap pala magbasa ng English then speak in Filipino.... this is my attempt to reach the masa though taxation is such a highly technical topic, kahit CPA hirap umintindi ng taxation, kahit lawyer hirap umintindi ng taxation... kasi taxation is a legal subject matter na maraming accounting topics. Just so blessed to be well armed to understand the topic and i am really  very happy na ang mga ordinaryong tao at hindi students ang pinagpapaliwanagan ko... it was indeed an exciting shift... hahahhaha dami kong mali!!! practice ako ng todo for the next episode... at least nasimulan ko... i have made the first step...



THANKs TO ALL THOSE WHO MADE THIS RADIO PROGRAM GUESTING POSSIBLE. THANK YOU SIR APOL DUQUE FOR THE INVITATION, MAM JENG RED FOR SUCH A NICE ACTUAL MENTORING, MAM PEARL PATRIARCA FOR THE TRUST AND MOST OF ALL  MY ANGEL FRIEND MAM ANNIE IRINCO FOR EXTENDING SO MUCH GENEROSITY... TO ALL OF YOU ... I AM DEEPLY HONORED TO HAVE YOUR COMPANY...THANK YOU SO MUCH


RADIO GUESTING??? Anyone??

Sino may gusto??? At first I thought that radio guesting would be easy, after all nobody sees who is talking. But when I had my first radio guesting, I realized that I was totally wrong.

When the Extension Program is being improved in our College, I thought of doing the tax information campaign thru Mrs. Jeng Red (a faculty member of our College of Communications), in her Radio ng Bayan program, Magnegosyo Tayo.  Long before the Chief of her Office , Sir Apolonio Duque,died  Ma'am Red and her boss invited me to be a guest in their radio program, I said, yes! gustung gusto ko pong makita ang katuparan ng  prophecy ng mga classmates ko noong highschool sa pag gi-guest ko sa inyong programa.  Noong inimbita nila ako for the radio program, naalala ko ang mga sinabi ng mga classmate ko noong graduating na kami from highschool.  Nagpagawa ang adviser namin noon ng short writing activity where we would write our CLASS PROPHECY.  I was then in honor section, Section A of UE Caloocan, Batch 1979 and our teacher would like to see a picture of what we would become years after graduation.

Everyone in the class wrote the prophecy for himself and for his classmates.  During recitation of the prophecy, my teacher noticed that most of my classmates were seeing me in the future as a Radio Announcer.  I was in almost everyone's paper.  Natuwa ako pero naisip kong mahirap maging DJ, mauubusan ako ng laway doon at baka palagi akong atakihin ng asthma pag yun ang hanapbuhay ko. Madaldal lang naman ako sa classroom kasi sa bahay wala akong kausap, kaya pag nasa school na ako dakdak na ko ng dakdak para pag nasa bahay na ako, okay lang na wala akong kausap dahil naka-quota naman ako sa school.

Noong in-invite ako nina mam Red, tuwang tuwa akong makita ang katuparan ng pangarap ng mga classmates and friends ko noong highschool at excited na excited ako.  I asked ma'am Red kung ano ang topic, sabi niya yung taxation na makatutulong sa mga OFW na gustong magnegosyo.  With that thought I made my research on Passive Income earning businesses dahil ito ang negosyo na puede sa mga OFW.  Ang dami kong notes na babasahin mamaya sa program sabi ko sa sarili ko.

Dumating ang oras ng program at nung nagsimula na si Ma'am Red for the opening hala! nanlamig na ang buong katawan ko, ang galing galing ni Ma'am Red, paano ako magsasalita sa harap ng ganitong kagaling magsalita, huhuhu. bakit ko ba naisipan itong bagay na ito!!! pero sabi ko may notes naman ako, Aja! kaya ko to.  I was able to introduce my topic pero grabeng magtanong si Ma'am Red wala sa mga notes ko! pero nasa mga stock knowledge ko. Habang tinatanong ako ni Ma'am Red, humahanga ako sa kanya, wala kaming rehearsal , akala ko pa naman meron! 

Pag-upo namin sa harap ng mikropono, lahat ng pag-uusapan namin ay galing sa laman ng utak naming dalawa.  I realized that I was engaged in a battle of brains.  Ang mga tanong niya ay about sa  mga topic na mahirap sagutin at ipaliwanag sa klase, nakupo!!!!! Pero natuwa rin ako dahil nahalukay ko sa kaila-ilaliman ng utak ko ang mga sagot sa tanong niya at ako mismo ay nagagandahan sa kung paano ko naipaliliwanag ng mga oras na iyon ang mga sagot sa tanong niya, hanggang ang nasa isip kong "battle of brains" ay naging isang harmonious melody for the listeners.

It was a beautiful experience being unknowingly guided by someone so experienced, so skilled and so intelligent like Ma'am Red. Tuwang-tuwa ako after the program at talagang para akong nasa heaven, una-dahil natupad ko ang pangarap ng mga classmates and friends ko para sa akin, pangalawa-nakapagbahagi ako ng kaalaman ko sa batas ng pagbubuwis at pangatlo ang pinakamasayang bahagi ng guesting ko, ang maturuan ng isang napakagaling na mentor, Ma'am Jeng Red of PUP College of Communications. 

Ang hindi ko malimutang tanong ni Ma'am Jeng Red ay " Ma'am Terry ano nga po ba ang meaning ng fair-market value at pakipaliwanag po ninyo". Whaaaaa fair-market value, eh passive income ang topic ko, ano nga ba ulit meaning noon? Then I got the answer from my stock knowledge," fair market value po Ma'am Red is the price a willing seller offers and a willing buyer accepts.  Ano po ibig sabihin nito? kung sa anong halaga puedeng mapagkasunduan ng buyer at seller ang bilihan ng isang bagay ayon sa malaya nilang pananaw o kagustuhan, hindi po yung presyo ng napipilitan dahil may mga personal na pangangailangan or compulsion.  Ang fair market value po ay pabago bago ayon sa takbo ng kalakaran sa pamilihan, wala pong iisang taong puedeng magdikta ng fair-market value, ito ay nakikita sa kung paano tumatakbo ang bilihan sa mercado.  Nagandahan ako sa sarili kong sagot, first time!!! Ganoon pala ang pakiramdam ng makaharap ang isang magaling at matalinong tao, matututo kang hanapin at gamitin ang sarili mong galing at talino.



With Ma'am Jeng Red, I was able to learn how to make beautiful answers for the listeners, yung dati kong puede na, with her guidance, nakita kong puede pang maging mas maganda.  Sa kanya, nakita ko ang soul na isang magaling na mamamahayag sa radyo at grabe ang mga natutunan ko mula sa kanya sa sandaling pag-upo ko sa silya elektrika niya. Mae-electrocute ka talaga! I love you Ma'am Red and thank you for a very wonderful and meaningful opportunity to know you and your work. God bless po.

No comments:

Post a Comment