Every time I would be assigned to teach Taxation in Advertising class, medyo kinakabahan ako. Ilan kaya ang gustong makinig? Tiyak katatakutan at kakainisan na naman ako. Pero ito ang trabaho ko, I cannot choose my students, kung ano ang ibigay basta covered ng topic ko dapat kong turuan. Gustong matuto or ayaw matuto, tuturuan. Mahirap ang Accounting subject para sa mga Advertising students dahil ang accounting is wisdom of the intellect while advertising is addressed to the heart, or passion.
During the first days of the semester okay pa ang discussion namin, alam kong kakayanin pa ng mga students ko ang mga topic dahil nasa concept of the state ang introduction ko sa Income Taxation subject. Pero alam kong pag darating na kami sa computation ay mag-aaway away na kami ng mga ito, tiyak na mag-aangalan na ang mga students ko, lalo na at mabilisan ang computation na ipagagawa ko sa kanila. Dumating na ang kinakatakutan ko na portion ang computation ng tax due. I have these class exercises na on the spot ang mga problems at pabilisan sila ng sagot dahil that is a written recitation and first 10 lang ang lalagyan ko ng grade.
Nagsimula na ako ng discussion leading to the exercises and alam ko na magpupulot na naman ako ng mga wrong answers from the students. Ilang exercises na ang naibibigay ko pero may mga nakakalusot na papel, meaning may nakakaintindi. Natuwa na ako nung nakita kong may nakakaintindi sa discussion, wow!!! first time ko sa advertising class na consistently tama ang sagot ng bata sa computation na ng tax due. Hinanap ko ang batang palaging tama ang sagot at nakita ko na tahimik na guapo, naisip ko'ng aba! guapo na matalino pa at tahimik na hindi bakla!!! jackpot! This student really inspired me to teach better kasi nakikinig pala.
Ang mga students ko sa advertising ay binibigyan ko ng chance to increase their grades by earning these, not just by asking. I give them test in accounting and projects in advertising to balance their grades. I do this because baka matatalino talaga sila sa advertising at kailangan nila ng mataas na grade pero hindi ko maibibigay kung mababa ang scores nila sa taxation. Nung mid-term exam na ng class na ito, may nagpapaalam sa akin na 2 students, parehong guapo, isang mataas at isang maliit. Gusto kong pagalitan kasi hindi ko maintindihan ang mga sinasabi, paulit ulit ang pag -explain nila ngunit hindi ko pa rin maintidihan and then finally I understood what they were saying. " Mam, magpapa excuse po kami ni Mariano kasi po na golden bell po kami sa Pinoy Got Talent, members po kami ng Power Impact Dancers at vivideohan daw po kami para sa next laban namin, kasama na po kami sa semi finals at mam, kailangan na po naming magpractice talaga pasensiya na po.
Pinayagan ko silang dalawa on the condition na mag-aral silang mabuti ng lesson nila kasi wala talagang hingian ng grades at may project silang dapat gawin . In short madalas silang wala sa class pero every now and then nagpi- pm yung matangkad para i- inform ako na interested siyang gumawa ng project at mag midterm. Sa isip ko, bahala ka kung kakayanin mo ba eh, pero I doubted kung papasa pa siya or makakabalik pa siya sa class kasi nga panay na ang practice nila for the contest. Noong medyo lumuwag ang sched niya panay ang habol niya sa akin, mam kukuha po ako ng midterm exam ko, sabi ko kaya mo??? opo mam kaya ko, ako nga po yung palaging tama ang sagot sa problem solving eh. Ahhh siya pala yun, nakalimutan ko na rin kasi ang mukha. Sige sabi ko , mamaya na babantayan ko pa itong mga BSA students ko na nag eexam. Habang nagbabantay ako ng mga nag eexam, binabantayan din niya ako para sa exam niya and then I asked him, bakit mo naiintindihan ang taxation eh advertising ang course mo? Mam, dati pong engineering ang course ko, Ha! e bakit nasa advertising ka ngayon? Mam hindi ko pa kasi talaga gusto ang engineering pero kaya ko, mas gusto ko po ang advertising, then I asked him, buti hindi nagalit ang parents mo sa iyo? Ayaw nga po nila noong una pero hindi ko po talaga gusto ang engineering.
Nakakuha ang student ko na yun ng exam pero winarningan ko siya, no excuse sa project, sabi niya "mam, magaling akong gumawa ipapakita ko sa inyo pero mali- late lang po ako ng pagsa- submit kasi po malapit na ang finals at practice na po kami ng practice pero gagawin ko po talaga mam! Sige ,
With Mariano and Airon Jazz, no need for tagging na siguro kasi Power Impact Dancers naman sila.
sabi ko, No project no grade, sabihan mo rin si Mariano. Sa facebook, friends ko sila kaya na re-remind ko silang mag-comply, incomplete muna ang nilagay kong grade niya and then finally na submit niya ang project niya at maganda nga, pulido ang mga pictures niya, sa isip ko magaling nga ang batang ito, pero paano kaya siya pumo-focus? ang hirap sumayaw and then mag-isip ng idea na hindi tungkol sa sayaw at lalaban pa sa isang competition.
Nung araw ng PGT grand finals nanood ako, gusto ko lang makita kung paano sila sumayaw at ano ang sayaw nila. Nangiti ako nang marinig ko ang comments sa kanila ng hosts na sina Robin Padilla at Vice Ganda. Sabi ni Robin "Power Impact naramdaman ko ang mechanical and electrical energy na gustong i -transmit ng sayaw ninyo" at ang sabi naman ni Vice Ganda " Power Impact ito ang grupo na hindi pa cute....magaling lang! Tama si Robin and Vice, ito ang group na mechanically and electrically powered or engineered at talagang magaling lang.....walang pa cute. Ganoon si Airon Jazz Rances, ang lead dancer ng Power Impact Dancers, hindi ko siya hinangaan dahil member siya ng isang dance group na nagcompete on a national level, hinangaan ko siya dahil nakita ko ang galing ng pagkatao niya bilang estudyante. Puede na lang sana niyang daanin sa hingi ang grade niya kasi may excuse naman siya pero never niyang ipinaramdam na yun ang gusto niya. He said "call" to all my demands and he delivered so well. Hindi ako mahilig humanga sa students ko, pero itong batang ito maipagmamalaki ko BILANG ESTUDYANTE!!! Airon, MORE POWERimpactdancers!!!! you deserve everything in your hands now. Good luck and God bless you always.
No comments:
Post a Comment