GUSTO KONG BASAHIN NINYO ITO KASI VERY IMPORTANT
BAKIT MAGKAAWAY TAYO DAHIL KAY MARCOS AT NINOY ( and please share )
Si Marcos isang abogado, si Ninoy isang journalist. Ang katotohanan sa ibang paraan nila tinitignan, ang abogado malawak ang pang unawa sa katotohanan dahil alam niya ang parusa sa maling paghuhusga. Ang journalist kapag nakakita ng isang pangyayari report na, sa kanya yun na ang katotohanan in the meantime. Sa abogado kailangan ng proof beyond reasonable doubt, sa journalist ano ba ang kailangan para sabihin na ang isang pangyayari ay ganap na katotohanan?
Ninoy entered a profession that was new in the country, Marcos was in a profession as old as Caesar.
Bakit hindi pinatulan ni Marcos ang EDSA revolution? ang ibang bansa nagpapatayan dahil sa powers, kasi alam ni Marcos na ang profession ng kanyang kalaban ay bago pa, at hindi patas kung ikukumpara sa kanya, kaya nga maraming patunay na naging mabait si Marcos kay Ninoy, kaya lang si Ninoy pag nakakita ng isang scenario dakdak na siya na parang iyon na ang katotohanan dahil iyon ang kanyang profession. Si Marcos alam ang batas at kung ano ang katotohanan ayon sa batas, kapag ba nakakita ka ng taong pumatay ng kanyang kapwa, masamang tao na siya? what about self defense?
Sa journalism tapos na ang kwento kapag nakakita ng isang event kasi naikwento na nila sa iba eh, yun na ang papaniwalaan ng tao, pero sa isang abogado, lahat ng anggulo titignan mo at susuriin mo upang makita mo ang motibo, hindi ang act ang hinuhusgahan ng isang abogado kung hindi ang motibo, pero sa isang journalist....ang act at motibo ay iisa. Minsan kailangan ng series of acts to prove a motive, kaya ang mga abogado hindi kaagad nag aakusa, pero ang journalist day by day hinuhusgahan ang caso ayon sa nakita niya. They may both arrive at the same truth pero ang abogado hindi muna nagsasalita, nag iipon muna ng tamang ebidensiya para patunayan ang motibo.
Mali ba si Ninoy? Mali ba si Marcos? pareho silang tama dahil pareho silang humahanap ng katotohanan pero ang katotohanan ikukuwento lang ng isang abogado sa dulo ng istorya pero ang journalist day by day ang pagkukuwento niya ng katotohanan. Sana maintindihan natin na both Ninoy and Marcos are geniuses in their own fields of work, yung kay Ninoy is based on passion, but yung kay Marcos ay based on reason. Sa tao dalawang klase ang basehan ng pagdedesisyon , ang una ay based on reason or intellect, ang ikalawa ay based on emotion, or passion or heart. Si Ninoy sini seek ang truth based on passion, but Marcos searched it with his reason.
Sana matigil na ang away kasi walang dapat pag awayan. It is as if, si Marcos at si Ninoy ay parehong bumili ng sampaguita sa isang munting bata sa kalye, si Marcos bumili ng sampaguita dahil may altar siya sa bahay niya at kailangan niya ng sampaguita, while si Ninoy bumili ng sampaguita kasi naaawa siya sa batang nagtitinda ng sampaguita at kahit wala siyang altar sa bahay niya, bumili pa rin siya. Pareho lang silang bumili pero sa magkaibang motivation. One is fueled by reason and the other one is fueled by passion. Pareho silang nagmahal sa ating bansa, sa magkaibang paraan nga lamang. Bakit hindi natin sila parehong dakilain? Magpakatalino tayong lahat and we will find peace in our land. God bless us all and God bless the Philippines.
No comments:
Post a Comment