Saturday, 1 April 2017

GUSTO KONG BASAHIN NINYO ITO KASI VERY IMPORTANT


GUSTO KONG BASAHIN NINYO ITO KASI VERY IMPORTANT
BAKIT MAGKAAWAY TAYO DAHIL KAY MARCOS AT NINOY ( and please share )

Si Marcos isang abogado, si Ninoy isang journalist. Ang katotohanan sa ibang paraan nila tinitignan, ang abogado malawak ang pang unawa sa katotohanan dahil alam niya ang parusa sa maling paghuhusga. Ang journalist kapag nakakita ng isang pangyayari report na, sa kanya yun na ang katotohanan in the meantime. Sa abogado kailangan ng proof beyond reasonable doubt, sa journalist ano ba ang kailangan para sabihin na ang isang pangyayari ay ganap na katotohanan? 


Ninoy entered a profession that was new in the country, Marcos was in a profession as old as Caesar.

Bakit hindi pinatulan ni Marcos ang EDSA revolution? ang ibang bansa nagpapatayan dahil sa powers, kasi alam ni Marcos na ang profession ng kanyang kalaban ay bago pa, at hindi patas kung ikukumpara sa kanya, kaya nga maraming patunay na naging mabait si Marcos kay Ninoy, kaya lang si Ninoy pag nakakita ng isang scenario dakdak na siya na parang iyon na ang katotohanan dahil iyon ang kanyang profession. Si Marcos alam ang batas at kung ano ang katotohanan ayon sa batas, kapag ba nakakita ka ng taong pumatay ng kanyang kapwa, masamang tao na siya? what about self defense? 

Sa journalism tapos na ang kwento kapag nakakita ng isang event kasi naikwento na nila sa iba eh, yun na ang papaniwalaan ng tao, pero sa isang abogado, lahat ng anggulo titignan mo at susuriin mo upang makita mo ang motibo, hindi ang act ang hinuhusgahan ng isang abogado kung hindi ang motibo, pero sa isang journalist....ang act at motibo ay iisa. Minsan kailangan ng series of acts to prove a motive, kaya ang mga abogado hindi kaagad nag aakusa, pero ang journalist day by day hinuhusgahan ang caso ayon sa nakita niya. They may both arrive at the same truth pero ang abogado hindi muna nagsasalita, nag iipon muna ng tamang ebidensiya para patunayan ang motibo. 

Mali ba si Ninoy? Mali ba si Marcos? pareho silang tama dahil pareho silang humahanap ng katotohanan pero ang katotohanan ikukuwento lang ng isang abogado sa dulo ng istorya pero ang journalist day by day ang pagkukuwento niya ng katotohanan. Sana maintindihan natin na both Ninoy and Marcos are geniuses in their own fields of work, yung kay Ninoy is based on passion, but yung kay Marcos ay based on reason. Sa tao dalawang klase ang basehan ng pagdedesisyon , ang una ay based on reason or intellect, ang ikalawa ay based on emotion, or passion or heart. Si Ninoy sini seek ang truth based on passion, but Marcos searched it with his reason. 

Sana matigil na ang away kasi walang dapat pag awayan. It is as if, si Marcos at si Ninoy ay parehong bumili ng sampaguita sa isang munting bata sa kalye, si Marcos bumili ng sampaguita dahil may altar siya sa bahay niya at kailangan niya ng sampaguita, while si Ninoy bumili ng sampaguita kasi naaawa siya sa batang nagtitinda ng sampaguita at kahit wala siyang altar sa bahay niya, bumili pa rin siya. Pareho lang silang bumili pero sa magkaibang motivation. One is fueled by reason and the other one is fueled by passion. Pareho silang nagmahal sa ating bansa, sa magkaibang paraan nga lamang. Bakit hindi natin sila parehong dakilain? Magpakatalino tayong lahat and we will find peace in our land. God bless us all and God bless the Philippines.

RADIO GUESTING??? Anyone? try it with Ma'am Jeng Red of PUP College of Communications



MY FIRST RADIO PROGRAM GUESTING...via MAGNEGOSYO TAYO WITH ATE JENG RED over RADIO NG BAYAN/RADIO PILIPINAS...Ang hirap pala magbasa ng English then speak in Filipino.... this is my attempt to reach the masa though taxation is such a highly technical topic, kahit CPA hirap umintindi ng taxation, kahit lawyer hirap umintindi ng taxation... kasi taxation is a legal subject matter na maraming accounting topics. Just so blessed to be well armed to understand the topic and i am really  very happy na ang mga ordinaryong tao at hindi students ang pinagpapaliwanagan ko... it was indeed an exciting shift... hahahhaha dami kong mali!!! practice ako ng todo for the next episode... at least nasimulan ko... i have made the first step...



THANKs TO ALL THOSE WHO MADE THIS RADIO PROGRAM GUESTING POSSIBLE. THANK YOU SIR APOL DUQUE FOR THE INVITATION, MAM JENG RED FOR SUCH A NICE ACTUAL MENTORING, MAM PEARL PATRIARCA FOR THE TRUST AND MOST OF ALL  MY ANGEL FRIEND MAM ANNIE IRINCO FOR EXTENDING SO MUCH GENEROSITY... TO ALL OF YOU ... I AM DEEPLY HONORED TO HAVE YOUR COMPANY...THANK YOU SO MUCH


RADIO GUESTING??? Anyone??

Sino may gusto??? At first I thought that radio guesting would be easy, after all nobody sees who is talking. But when I had my first radio guesting, I realized that I was totally wrong.

When the Extension Program is being improved in our College, I thought of doing the tax information campaign thru Mrs. Jeng Red (a faculty member of our College of Communications), in her Radio ng Bayan program, Magnegosyo Tayo.  Long before the Chief of her Office , Sir Apolonio Duque,died  Ma'am Red and her boss invited me to be a guest in their radio program, I said, yes! gustung gusto ko pong makita ang katuparan ng  prophecy ng mga classmates ko noong highschool sa pag gi-guest ko sa inyong programa.  Noong inimbita nila ako for the radio program, naalala ko ang mga sinabi ng mga classmate ko noong graduating na kami from highschool.  Nagpagawa ang adviser namin noon ng short writing activity where we would write our CLASS PROPHECY.  I was then in honor section, Section A of UE Caloocan, Batch 1979 and our teacher would like to see a picture of what we would become years after graduation.

Everyone in the class wrote the prophecy for himself and for his classmates.  During recitation of the prophecy, my teacher noticed that most of my classmates were seeing me in the future as a Radio Announcer.  I was in almost everyone's paper.  Natuwa ako pero naisip kong mahirap maging DJ, mauubusan ako ng laway doon at baka palagi akong atakihin ng asthma pag yun ang hanapbuhay ko. Madaldal lang naman ako sa classroom kasi sa bahay wala akong kausap, kaya pag nasa school na ako dakdak na ko ng dakdak para pag nasa bahay na ako, okay lang na wala akong kausap dahil naka-quota naman ako sa school.

Noong in-invite ako nina mam Red, tuwang tuwa akong makita ang katuparan ng pangarap ng mga classmates and friends ko noong highschool at excited na excited ako.  I asked ma'am Red kung ano ang topic, sabi niya yung taxation na makatutulong sa mga OFW na gustong magnegosyo.  With that thought I made my research on Passive Income earning businesses dahil ito ang negosyo na puede sa mga OFW.  Ang dami kong notes na babasahin mamaya sa program sabi ko sa sarili ko.

Dumating ang oras ng program at nung nagsimula na si Ma'am Red for the opening hala! nanlamig na ang buong katawan ko, ang galing galing ni Ma'am Red, paano ako magsasalita sa harap ng ganitong kagaling magsalita, huhuhu. bakit ko ba naisipan itong bagay na ito!!! pero sabi ko may notes naman ako, Aja! kaya ko to.  I was able to introduce my topic pero grabeng magtanong si Ma'am Red wala sa mga notes ko! pero nasa mga stock knowledge ko. Habang tinatanong ako ni Ma'am Red, humahanga ako sa kanya, wala kaming rehearsal , akala ko pa naman meron! 

Pag-upo namin sa harap ng mikropono, lahat ng pag-uusapan namin ay galing sa laman ng utak naming dalawa.  I realized that I was engaged in a battle of brains.  Ang mga tanong niya ay about sa  mga topic na mahirap sagutin at ipaliwanag sa klase, nakupo!!!!! Pero natuwa rin ako dahil nahalukay ko sa kaila-ilaliman ng utak ko ang mga sagot sa tanong niya at ako mismo ay nagagandahan sa kung paano ko naipaliliwanag ng mga oras na iyon ang mga sagot sa tanong niya, hanggang ang nasa isip kong "battle of brains" ay naging isang harmonious melody for the listeners.

It was a beautiful experience being unknowingly guided by someone so experienced, so skilled and so intelligent like Ma'am Red. Tuwang-tuwa ako after the program at talagang para akong nasa heaven, una-dahil natupad ko ang pangarap ng mga classmates and friends ko para sa akin, pangalawa-nakapagbahagi ako ng kaalaman ko sa batas ng pagbubuwis at pangatlo ang pinakamasayang bahagi ng guesting ko, ang maturuan ng isang napakagaling na mentor, Ma'am Jeng Red of PUP College of Communications. 

Ang hindi ko malimutang tanong ni Ma'am Jeng Red ay " Ma'am Terry ano nga po ba ang meaning ng fair-market value at pakipaliwanag po ninyo". Whaaaaa fair-market value, eh passive income ang topic ko, ano nga ba ulit meaning noon? Then I got the answer from my stock knowledge," fair market value po Ma'am Red is the price a willing seller offers and a willing buyer accepts.  Ano po ibig sabihin nito? kung sa anong halaga puedeng mapagkasunduan ng buyer at seller ang bilihan ng isang bagay ayon sa malaya nilang pananaw o kagustuhan, hindi po yung presyo ng napipilitan dahil may mga personal na pangangailangan or compulsion.  Ang fair market value po ay pabago bago ayon sa takbo ng kalakaran sa pamilihan, wala pong iisang taong puedeng magdikta ng fair-market value, ito ay nakikita sa kung paano tumatakbo ang bilihan sa mercado.  Nagandahan ako sa sarili kong sagot, first time!!! Ganoon pala ang pakiramdam ng makaharap ang isang magaling at matalinong tao, matututo kang hanapin at gamitin ang sarili mong galing at talino.



With Ma'am Jeng Red, I was able to learn how to make beautiful answers for the listeners, yung dati kong puede na, with her guidance, nakita kong puede pang maging mas maganda.  Sa kanya, nakita ko ang soul na isang magaling na mamamahayag sa radyo at grabe ang mga natutunan ko mula sa kanya sa sandaling pag-upo ko sa silya elektrika niya. Mae-electrocute ka talaga! I love you Ma'am Red and thank you for a very wonderful and meaningful opportunity to know you and your work. God bless po.

DANCING HIS DREAMS OUT---Airon Jazz Rances of Power Impact Dancers

Every time I would be assigned to teach Taxation in Advertising class, medyo kinakabahan ako.  Ilan kaya ang gustong makinig? Tiyak katatakutan at kakainisan na naman ako. Pero ito ang trabaho ko, I cannot choose my students, kung ano ang ibigay basta covered ng topic ko dapat kong turuan. Gustong matuto or ayaw matuto, tuturuan.  Mahirap ang Accounting subject para sa mga Advertising students dahil ang accounting is wisdom of the intellect while advertising is addressed to the heart, or passion.
During the first days of the semester okay pa ang discussion namin, alam kong kakayanin pa ng mga students ko ang mga topic dahil nasa concept of the state ang introduction ko sa Income Taxation subject.  Pero alam kong pag darating na kami sa computation ay mag-aaway away na kami ng mga ito, tiyak na mag-aangalan na ang mga students ko, lalo na at mabilisan ang computation na ipagagawa ko sa kanila. Dumating na ang kinakatakutan ko na portion ang computation ng tax due. I have these class exercises na on the spot ang mga problems at pabilisan sila ng sagot dahil that is a written recitation and first 10 lang ang lalagyan ko ng grade. 

Nagsimula na ako ng discussion leading to the exercises and alam ko na magpupulot na naman ako ng mga wrong answers from the students.  Ilang exercises na ang naibibigay ko pero may mga nakakalusot na papel, meaning may nakakaintindi.  Natuwa na ako nung nakita kong may nakakaintindi sa discussion, wow!!! first time ko sa advertising class na consistently tama ang sagot ng bata sa computation na ng tax due.  Hinanap ko ang batang palaging tama ang sagot at nakita ko na tahimik na guapo, naisip ko'ng aba! guapo na matalino pa at tahimik na hindi bakla!!! jackpot! This student really inspired me to teach better kasi nakikinig pala. 

Ang mga students ko sa advertising ay binibigyan ko ng chance to increase their grades by earning these, not  just by asking.  I give them test in accounting and projects in advertising to balance their grades. I do this because baka  matatalino talaga sila sa advertising at kailangan nila ng mataas na grade pero hindi ko maibibigay kung mababa ang scores nila sa taxation.  Nung mid-term exam na ng class na ito, may nagpapaalam sa akin na 2 students, parehong guapo, isang mataas at isang maliit. Gusto kong pagalitan kasi hindi ko maintindihan ang mga sinasabi, paulit ulit ang pag -explain nila ngunit hindi ko pa rin maintidihan and then finally I understood what they were saying.  " Mam, magpapa excuse po kami ni Mariano kasi po na golden bell po kami sa Pinoy Got Talent, members po kami ng Power Impact Dancers at vivideohan daw po kami para sa next laban namin, kasama na po kami sa semi finals at mam, kailangan na po naming magpractice talaga pasensiya na po. 

Pinayagan ko silang dalawa on the condition na mag-aral silang mabuti ng lesson nila kasi wala talagang hingian ng grades at may project silang dapat gawin .  In short madalas silang wala sa class pero every now and then nagpi- pm yung matangkad para i- inform ako na interested siyang gumawa ng project at mag midterm.  Sa isip ko, bahala ka kung kakayanin mo ba eh, pero I doubted kung papasa pa siya or makakabalik pa siya sa class kasi nga panay na ang practice nila for the contest. Noong medyo lumuwag ang sched niya panay ang habol niya sa akin, mam kukuha po ako ng midterm exam ko, sabi ko kaya mo??? opo mam kaya ko, ako nga po yung palaging tama ang sagot sa problem solving eh.  Ahhh siya pala yun, nakalimutan ko na rin kasi ang mukha.  Sige sabi ko , mamaya na babantayan ko pa itong mga BSA students ko na nag eexam.  Habang nagbabantay ako ng mga nag eexam, binabantayan din niya ako para sa exam niya and then I asked him, bakit mo naiintindihan ang taxation eh advertising ang course mo? Mam, dati pong engineering ang course ko, Ha! e bakit nasa advertising ka ngayon?  Mam hindi ko pa kasi talaga gusto ang engineering pero kaya ko, mas gusto ko po ang advertising, then I asked him, buti hindi nagalit ang parents mo sa iyo?  Ayaw nga po nila noong una pero hindi ko po talaga gusto ang engineering.

Nakakuha ang student ko na yun ng exam pero winarningan ko siya, no excuse sa project, sabi niya "mam, magaling akong gumawa ipapakita ko sa inyo pero mali- late lang po ako ng pagsa- submit kasi po malapit na ang finals at practice na po kami ng practice pero gagawin ko po talaga mam! Sige ,



With Mariano and Airon Jazz, no need for tagging na siguro kasi Power Impact Dancers naman sila.

sabi ko, No project no grade, sabihan mo rin si Mariano. Sa facebook, friends ko sila kaya na re-remind ko silang mag-comply, incomplete muna ang  nilagay kong grade niya and then finally na submit niya ang project niya at maganda nga, pulido ang mga pictures niya, sa isip ko magaling nga ang batang ito, pero paano kaya siya pumo-focus? ang hirap sumayaw and then mag-isip ng idea na hindi tungkol sa sayaw at lalaban  pa sa isang competition.  

Nung araw ng PGT grand finals nanood ako, gusto ko lang makita kung paano sila sumayaw at ano ang sayaw nila. Nangiti ako nang marinig ko ang comments  sa kanila ng hosts na sina Robin Padilla at Vice Ganda.  Sabi ni Robin "Power Impact naramdaman ko ang mechanical and electrical energy na gustong i -transmit ng sayaw ninyo" at ang sabi naman ni Vice Ganda " Power Impact ito ang grupo na hindi pa cute....magaling lang! Tama si Robin and Vice, ito ang group na mechanically and electrically powered or engineered at talagang magaling lang.....walang pa cute.  Ganoon si Airon Jazz Rances, ang lead dancer ng Power Impact Dancers, hindi ko siya hinangaan dahil member siya ng isang dance group na nagcompete on a  national level, hinangaan ko siya dahil nakita ko ang galing ng pagkatao niya bilang estudyante.  Puede na lang sana niyang daanin sa hingi ang grade niya kasi may excuse naman siya pero never niyang ipinaramdam na yun ang gusto niya.  He said "call" to all my demands and he delivered so well.  Hindi ako mahilig humanga sa students ko, pero itong batang ito maipagmamalaki ko BILANG ESTUDYANTE!!! Airon, MORE POWERimpactdancers!!!! you deserve everything in your hands now.  Good luck and God bless you always.